Biyernes, Disyembre 20, 2013

Perspective ng Isang Kabit

Unsa sa lahat, masakit maging kabit. Wala ka nang karapatan sa minamahal mo, wala ka pang karapatan maging tao. Siguro kaya maliit ang tingin ng mga tao na naagawan ng minamahal ay dahil sa ang pakiramdam nila at nararamdaman eh sa simula pa lang kanila lang ang boyfriend/asawa nila. Hindi ko dinidimoralize ang marriage or ang rules ng relationship, pero, once na nagpapakasal ang isang tao nagkakaroon ng illusion na sila ang may-ari sa tao. Hindi ganoon, ang kasal ay isang serimonyas ng PAGTANGGAP at hindi PAGMAMAY-ARI ... kaya siguro may mga husbands/wives na kapag nakipag separate eh tanggap. hmpf.... sorry, di ganito ang perspective ko dati pero gusto ko lang bigyan ng katarungan ang nangyari sa akin... Siguro kasalanan ko nga, marupok ang lalake kapag sex na ang pinag-usapan... nagpapadala sa kanilang nararamdaman kapag natitigasan... pero di iyon rason para mangloko ka at gawing tanga ang isang tao na walang kamalay-malay sa mga maling gawain. Nasasaktan ako kasi nasaktan ko ang asawa niya, pero mas nasasaktan ako kasi ginamit lang ako. Oo, tanga ako nabulag kasi ako sa nararamdaman ko. Kung kayo pangakuan ng kasal? Mahal at hindi iiwan? hmpf.... Sana lang kahit gusto mo nang sampalin,tadyakan, saksakin or sunugin ang kabit ng asawa niyo. Tanungin niyo muna kung sino ang may kasalanan... Baka kasi iba ang storya... ang sa akin kasi naniwala ako na girlfriend lang niya kaya ilang beses ko nasabi sa sarili ko na pareho lang kaming walang karapatan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento